-- Advertisements --

Inaasahan na umano ng men’s basketball team ng Argentina na sasalang sila sa itinuturing nilang pinakamahirap na laban sa 2019 FIBA World Cup sa pagtutuos nila mamaya ng Serbia sa quarterfinals.

Bago ang paghaharap mamayang alas-7:00 ng gabi, malinis pa ang kartada ng Argentina na mayroong limang panalo, samantalang ang Serbia ay binigo naman ng Spain sa second round.

Ayon kay Argentina forward Patricio Garino, magiging puhunan nila ang lakas at pagiging agresibo sa depensa gaya ng ipinamalas nila sa nakalipas na mga laro.

“Our philosophy from here to the future will be that of defensive aggressiveness, the energy, transmitting those emotions on the court. Right now, we are a very happy team, the whole team, not just the five players on the court. It is something we are achieving game by game, we know that there is a lot of work, that this is not the end. Despite the joy for what we did, we know that a very hard battle is coming,” wika ni Garino.

Sa panig naman ng Serbia, sinabi naman ni head coach Sasha Djordjevic na hindi pa rin daw nawawala ang kanilang pokus kahit na nabahiran na ng pagkatalo ang kanilang record sa torneyo.

“We’re not losing focus. The competition is still here. We need to make ourselves aware that we have to play together. We only play best when we share the ball, and now we were not that team. Maybe some players wanted to take individual responsibility, but we don’t need that. We have to play our basketball, which we know we will play. We have to raise our heads and move forward,” ani Djordjevic.

Inaabangan ng mga observers ang gagawing diskarte ng Serbia para makabawi, lalo pa’t marami ang naniniwalang ang world No. 4 ang pinakamalaking banta sa title defense ng Team USA.

Magiging krusyal naman umano sa laro ang mga turnovers lalo pa’t naging palyado ang ipinamalas ng Serbia kontra sa Spain sa kanilang naging pagtutuos.

Dapat din umanong samantalahin ng Argentina, na may pinakamataas na average sa steals sa kompetisyon, ang minsanang pagiging padalos-dalos ng Serbia, na ikalawa naman sa may pinakamaraming turnovers na nagawa kada laro.