Maglalaro pa rin umano para sa team Italy si Oklahoma City Thunder forward Danilo Gallinari sa darating na 2019 FIBA World Cup.
Ito’y kahit inanunsyo ng Italian Basketball Federation na sumailalim si Gallinari sa appendectomy.
Sa pahayag ng basketball body, magpapahinga muna ang 6-foot-10 forward ng dalawang linggo bago ito sumabak sa ensayo kasama ang kanyang mga teammates.
Dahil sa nasabing operasyon, hindi na nakasama pa si Gallnari sa Trentino Cup, at inaasahang liliban din sa Verona Tournament.
Si Gallinari ay bahagi ng krusyal na kampanya ng Italy upang makausad sa 2020 Olympics sa Tokyo.
Isa si Gallinari sa mga NBA players ng Italy na makakatunggali ng Gilas Pilipinas, na kapwa nasa Group D ng group stage ng World Cup.
Kasama rin sa nasabing grupo ang powerhouse team Serbia, at Afrobasket champion Angola.
Tumipon ng career-best 19.8 points at 6.1 rebounds per game si Gallinari para sa Los Angeles Clippers noong nakaraang season.