Lalo pang nabawasan ang pagpipiliang mga players ng US Men’s National Basketball Team para sa kanilang darating na kampanya sa FIBA World Cup.
Batay sa ulat, kumalas na rin sa Team USA si Sacramento Kings guard De’Aaron Fox dahil sa tututukan daw nito ang paparating na bagong NBA season.
Si Fox ang ikatlong player ngayong linggo na umalis sa koponan, kasunod nina Houston Rockets forward PJ Tucker na umurong dahil sa natamo nitong ankle injury, at Toronto Raptors guard Kyle Lowry bunsod ng thumb injury.
Sa pag-alis ni Fox, mayroon na lamang ang Team USA na 13 players na pagpipilian para sa bubuuin nilang 12-man roster.
Ito ay sina:
Guards: Joe Harris, Brooklyn; Donovan Mitchell, Utah; Marcus Smart, Boston; Kemba Walker, Boston; Derrick White, San Antonio.
Forwards: Harrison Barnes, Sacramento; Jaylen Brown, Boston; Kyle Kuzma, Los Angeles Lakers; Khris Middleton, Milwaukee; Jayson Tatum, Boston.
Centers: Brook Lopez, Milwaukee; Mason Plumlee, Denver; Myles Turner, Indiana.
Ang U.S. squad, na pinamumunuan ni San Antonio Spurs head coach Gregg Popovich, ay nakatakdang sumalang sa tatlong tune-up games – dalawa sa Australia at isa sa Canada – at magsasanay sa Australia bago magtungo sa Shanghai, China. (Reuters)