Pangungunahan nina naturalized player Andray Blatche at veteran Gabe Norwood ang 11-man Gilas Pilipinas pool na aalis patungong Spain para sa 10-day training camp bilang preparasyon para sa FIBA World Cup sa China.
Kabilang nina Blatche at Norwood sina Mark Barroca, CJ Perez, Robert Bolick, Paul Lee, Poy Erram, Japeth Aguilar, Matthew Wright, Beau Belga at Kiefer Ravena.
Si Raymond Almazan sana ang ika-12 player para sa national squad, ngunit hindi ito nakakuha ng Spanish visa, maging si assistant coach Ford Arao.
“This is the best we can do sa limitations ng schedule ng PBA. We’ll just try to get all the work done to put this team together in the eighth days that were in Spain,” wika ni coach Yeng Guiao.
Hindi naman makakasama sa biyahe ng Gilas sina Roger Pogoy at Troy Rosario ng TNT KaTropa, at sina Marcio Lassiter, June Mar Fajardo, at Christian Standhardinger ng San Miguel dahil sa championship round ng PBA Commissioner’s Cup.
“This is an important stage for our preparation, This is the time where we can really focus 100% on what we need to do on the system that we’re trying to set up,” wika ni Guiao.
Linggo ng alas-7:40 ng umaga ay bibiyahe ang Gilas patungong Madrid at tutungo naman sa lungsod ng Guadalajara upang harapin ang Congo at Ivory Coast sa back-to-back practice match.
Matapos nito ay magtutungo sa Malaga ang Pinoy cagers upang makipagtuos ulit sa Congo para sa isang mini tournament.
Ang magwawagi ay tatapatan naman ang mananalo sa hiwalay na laban ng Ivory Coast at Spain.
Inaasahang isasabak ng Spain ang lahat ng kanilang mga NBA players gaya nina Marc Gasol, Ricky Rubio, pati ang magkapatid na sina Juancho at Willy Hernangomez.