-- Advertisements --

Lilipad patungong Spain ang Gilas Pilipinas sa Agosto 4 upang lumahok sa serye ng mga tune-up games tatlong linggo bago ang pagsisimula ng FIBA World Cup sa China.

Ayon kay Gilas head coach Yeng Guiao, mananatili sila roon ng mahigit isang linggo upang sumabak sa mga exhibition matches sa ilang mga national teams na kasali rin sa world meet.

Hindi naman binanggit ni Guiao ang mga makakalaban ng Gilas, maliban sa Spanish national squad.

“I think that’s a good tune-up for us. Yung Spain I think they have seven or eight NBA players and all of them would be there,” wika ni Guiao.

Pagbalik naman aniya sa bansa, mag-eensayo ng dalawa pang linggo ang Pinoy cagers bago tumulak pa-China sa ika-27.

“When we comeback, we will reset and see how we can still make adjustments or improve based on the tune-up games we had,” anang coach.

“Agahan na rin namin ang punta sa China. I’m not sure if we can still get scrimmages in China. If we can, we will. If not, we’ll just practice by ourselves.”

Unang makakalaban ng Gilas ang Italy sa ika-31, na susundan naman ng Serbia sa Setyembre 2, at Angola sa Setyembre 4.