na ng kontrata sa Golden State Warriors ang isa sa player na naglaro sa ilalim ng Team Spain sa FIBA Basketball World Cup 2023.
Kinuha ng Warriors si Usman Garuba sa pamamagitan ng two-way contract, at inaasahang maglalaro na siya sa papalapit na pagbubukas ng 2023-2024 season.
Si Garuba ay may average na 8.2points at 4 rebounds sa loob ng paglalaro sa Spain sa katatapos na FIBA 2023.
Siya ay dating naglaro sa ibat ibang koponan sa NBA at pinakahuli ay sa Oklahoma City Thunder ngunit tuluyan din siyang binitawan ng koponan.
Pupunan ni Garuba ang isa sa tatlong bakanteng player spot ng GSW sa susunod na season.
Siya ay may tangkad na 6’8 at wingspan na aabot sa 7’2.
Hawak niya ang 40% na shooting percentage sa loob ng nakalipas na tatlong season na kanyang paglalaro.