-- Advertisements --

Walang hirap na pinataob ng US Men’s National Basketball Team ang Spain, 90-81, sa kanilang exhibition match sa California dalawang linggo bago ang FIBA World Cup sa China.

Tumalon sa 11 point lead ang mga Amerikano at hindi na nilingon pa ang Spanish cagers kahit na hindi naglaro ang ilan sa kanilang mga high-profile members.

Nasopla rin ng USA ang tangkang pagbagon ng Spain sa fourth quarter.

Sumandal ang world No. 1 kay Donovan Mitchell na umiskor ng 13 points, na inalalayan naman ni Kemba Walker na may 11 points at walong assists.

Ito na ang huling tune-up match ng US team sa kanilang bansa at magkakaroon pa sila ng training camp sa Las Vegas at Los Angeles bago tumulak pa-Australia.