Humaba pa ang listahan ng mga players ng Gilas Pilipinas na nagtamo ng injury matapos dumanas ng pananakit sa kanilang kanang bukong-bukong si Phoenix forward Matthew Wright.
Ayon kay Wright, sasailalim daw ito sa MRI ngayong araw upang malaman kung gaano kalala ang nakuha nitong injury.
Umaasa naman ang 6-foot-2 sniper na makakadalo agad ito sa mga ensayo ng national team para sa nalalapit nilang kampanya sa FIBA World Cup sa China.
“I should be able to play there,” wika ni Wright.
Si Wright ang pinakahuling player na nakaranas ng injury sunod kina Gabe Norwood, na nagtamo ng groin strain sa Spain, at si Poy Erram na nagka-sprain din sa bukong-bukong sa kalagitnaan ng ensayo.
Hindi naman makakapaglaro pa si Marcio Lassiter dahil sa patuloy nitong pagpapagaling mula sa sprain sa kaliwang MCL.