-- Advertisements --

Naipuwersa pa ng Converge FiberXers sa Game 5 ang quarterfinals nila ng San Miguel Beermen 114-100 sa PBA Governors Cup.

Naitabla na kasi ng FiberXers sa 2-2 ang best of five quarterfinals ng maitala ang dalawang sunod na panalo sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Bumida sa panalo ng Converge si Schonny Winston na nagtala ng 26 points, anim na rebounds at limang assists.

Habang mayroong 22 points si import Jalen Jones, 16 points naman kay Alec Stocton at 10 points naman ang naitala ni King Caralipio.

Nasayang ang nagawang 35 points ni EJ Anosike at ang 17 points ni June Mar Fajardo para sa Beermen.