Naitala ng Converge FiberXers ang magkasunod na panalo matapos talunin nila ang Phoenix 116-105 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Sa first quarter ay hawak ng Phoenix ang kalamangan 20-2 hanggang pagpasok ng 2nd half para mabaligtad ang kalamangan.
Mayroon ng apat na panalo at dalawang talo ang FiberXers habang ang Phoenix ay mayroong isang panalo at limang talo.
Bumida sa panalo ng Converge si Jordan Heading na nagtala ng 21 points, anim na assists at limang steals habang mayroong 21 points at 16 rebounds si Cheick Diallo at tig-16 points naman sina Schonny Winston at Bryan Santos.
Nasayang naman ang nagawang 30 points at 18 rebounds ni Donovan Smith habang mayroong 20 points si RJ Jazul para sa Phoenix.