-- Advertisements --

Natapos na kampanya ng Converge FiberXers kahit na tinalo nila ang Meralco Bolts 105-97 sa 2024 PBA Governor’s Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Bumida sa panalo si Scotty Hopson na nagtala ng 32 points at 10 rebounds habang si Alec Stocton ay mayroong 27 points.

Ito na ang pangatlong sunod na panalo ng FiberXers na mayroong limang panalo at apat na talo para makuha ang pangatlong puwesto sa Group A.

Habang ang Bolts ay mayroong anim na panalo at tatlong talo na nananatiling nasa ikalawang puwesto sa Group A.

Sinabi ni Converge coach Franco Atienza, nais nilang maging handa para sa playoffs.