CENTRAL MINDANAO-Sumuko sa Joint Task Force Central ang isang Field Commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at anim na tauhan nito sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga rebelde ay sa ilalim ng grupo ni Kumander Ustadz Karialan ng BIFF Karialan faction.
Sumukong ang pitong rebelde sa militar at pormal na i-prenisenta kay Ist Mechanized Brigade Commander Colonel Pedro Balisi sa Barangay Kamasi Ampatuan Maguindanao.
Dala sa pagsuko ng pitong BIFF ang dalawang (2) M14 Rifles, isang (1) M16 Rifle, isang .50 Caliber Barret Sniper Rifle, isang Garand Rifle, (1) M79 Grenade Launcher, (1) RPG Launcher,mga bala at mga magazines.
Hindi na makayanan ng mga rebelde ang patuloy na pagtugis sa kanila ng militar.
Hirap, pagod at gutom na rin ang naranasan ng pitong BIFF sa patuloy na pagtatago sa pwersa ng militar.
Nagpasalamat naman si Colonel Balisi sa mga tumulong sa negosasyon sa pagsuko ng mga rebelde.
Hinikayat ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy ang ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.