ILOILO CITY – Ipinagdiriwang ngayong araw ang pista ng Nuestra Señora dela Candelaria sa Jaro, Iloilo City.
Ang nasabing pista ay isang malaki at magarbong fiesta sa Western Visayas na ipinagdiriwang tuwing Pebrero 2.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Father Angelo Colada, director ng Social Communications ng Archdiocese of Jaro, sinabi nito na matapos ang dalawang taon, balik na sa face-to-face ang selebrasyon kung saan maraming turista ang inaasahang bibisita para lang sa pinakamalaking fiesta sa rehiyong ito.
Tema ngayong taon ng pista ay ang “We pray through Nuestra Señora de la Candelaria to enlarge our heart with the light of Jesus”.
Kabilang anya sa mga aktibidad ng pista ang tradisyunal na pagbabasbas sa mga kandila na inuuwi ng mga deboto at bisita sa paniniwalang magbibigay ito ng proteksyon sa kanila laban sa kasamaan, pinsala at kamalasan kung saan isasabay ito sa pagdiriang ng misa at ng prusisyon.
Kabilang naman sa iba pang aktibidad na inaasahan ay ang Jaro carnival, agro-industrial fair, exhibits, garden show at ang kontrobersyal na grandcock derby.
Taong 1981 ng kilalanin at koronahan ni Saint John Paul II ang milagrosong imahe ng Our Lady of Candles sa kanyang unang pagbisita sa bansa.
Nakalagak ito ngayong sa Jaro Metropolitan Cathedral na idineklarang national shrine kasabay ng pagdiriwang ng Pista ng Nuestra Señora dela Candelaria noong 2012.
Ayon sa mga kwento, ang imahe ngn Birheng Maria, dala ng infant Jesus sa kanyang kanang braso at isang berdeng kandila sa magkabilang kamay at natagpuan ng mga mangingisda sa riverbank sa Iloilo noong 1587.
Kalaunan inilagay ito sa maliit na simbahan sa Jaro at iniligay sa Jaro Cathedral noong 1864.
Kasabay naman ng pagdiriang ng pista ngayong araw ang paggunita sa Solemnity of the Presentation of the Lord.