-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Magsubaybay hanggang mamayang hating gabi ang Pulisya kasama ang Philippine Coast Guard, Joint Task Group Gensan at mga force multipliers para bantayan ang ika 44 fiesta ng Sto Niño de Bula.

Ito ang sinabi ni P/Capt. Ian Bagot hepe ng Bula Police Station na siya ring Comanding Officer para sa nasabing aktibidad.

Sinabi nito na maluwag at nasa normal ang sitwasyon ng kanilang pagbabantay dahil walang aktibidad maliban na lamang sa 11 Misa mula kaninang umaga hanggang ala 10 ng gabi.

Hinde pinahintulutan na makapasok ang hinde residente sa lugar matapos nagpalabas ng Executive Order si Kapitan Nicanora Vargas.

Dagdag ni Bagot na may pitong checkpoint ang inilagay sa lugar kasama ang tropa ng Philippine Coast Guard at PNP Maritime at mga bantay dagat.

Kahit fiesta bawal kasi ang paggpakain maliban sa pamilya.

Matatandaan nuong wala pa ang pandemia dinadayo ang Barangay Bula dahil magsiuwi-an ang mahigit sa 100 fishing boat mula sa laot para makasama sa fluvial parade ng Sto Niño.

Kilala din ang lasabing lugar dahil lahat ng bahay may handang pagkain

Nalaman na ang barangay Bula ang tahanan ng mga kilalang fishing magnate at mangingisda na nagbigay pangalan sa lungsod na Tuna Capital of the Philippines.