Nakatakda umanong talakayin ng pamunuan ng FIFA sa pulong sa susunod na linggo ang planong pagdadagdag sa mga bansang kasali sa 2022 World Cup sa 48 koponan.
Una nang sinabi ni FIFA President Gianni Infantino, kailangan umanong magdagdag ng iba pang mga bansa bukod sa Qatar kung nais na pabilisin ang expansion.
Sa ngayon kasi ay puspusan na ang paggawa ng Qatar sa mga venues ng unang World Cup na gaganapin sa Middle East, na lalahukan ng 32 teams na magtutuos sa loob ng 28 araw.
Batay sa isang source, pinag-iisipan umano ng FIFA ang paggamit sa Kuwait at Oman bilang mga co-host ng naturang event.
Kabilang din sa mga mapapag-usapan ang nais ni Infantino na palawigin ang Club World Cup at ang paglulunsad ng Global Nations League, na umani ng batikos sa mga bansa sa Europa. (AP)