Kinumpirma ni Fédération Internationale de Football Association (FIFA) President Gianni Infantino na gaganapin sa Pilipinas ang nakatakdang pagbubukas ng inaabangang inaugural FIFA Futsal Women’s World Cup 2025 sa darating na Nobyembre.
Ayon kay Infantino, nakatakdang gawin ang opening matches sa Nobyembre 21 kung saan ang mga lalahok na koponan ay maglalaban-laban para mapabilang sa 16 na grupong papasok sa finals na idaraos sa Disyembre 7.
Mula sa 16 na koponan ay hahatiin sila sa apat na grupo kung saan ang dalawang mangungunang teams mula sa bawat grupo ay mag-a-advance patungo sa knockout phase, quarter-finals, semi-finals, third-place play-off, at final match.
Wala pang pinal na lugar sa bansa kung saan gaganapin ang naturang world cup ngunit mayroon nang ilang pinagpipilian.
Matatandaan noong Mayo 15, nakuha ng Pilipinas ang hosting rights para sa naturang palaro kung saan natalo ang iba pang bansa na nag-bid tulad ng Brazil, Italy, at Spain.