-- Advertisements --

Kasabay din ng pagsisimula ng semifinals ay inanunsiyo ng FIFA ang bagong bola na gagamitin para sa semifinals at finals matchs.

Ang bola na na tinawag na “Al Hilm” ay siyang official match ball na gagamitin.

Ang salitang “Al Hilm” o ang ibig sabihin ay “The Dream” ay siyang papalit sa bola na tinawag na “Al Rihla” o The Journey na ginamit ng hanggang quarterfinals.

Gawa sa water-based inks at glues na siyang unang bola na ginamitan ng nasabing materyales.

Ang desenyo nito ay mula sa disyerto ng rehiyon na may kulay mula sa trophy ng World cup at kulay pula na mula sa watawat ng Qatar.

Kinabitan ito ng “Connected Ball” na isang uri ng sensor para hindi mahirapan ang mg officials sa pagtawag ng mga violations.