-- Advertisements --

Pansamantalang ipinagpaliban ng FIFA ang kanilang desisyon na suspendihin ang Israel sa paglahok ng kanilang torneo.

Ayon sa FIFA , na hindi muna sila maglalabas ng anumang desisyon ukol sa hiling ng Palestine.

Hiniling kasi ng Palestine na suspendihin ang Israel at ang kanilang council dahil sa ginawang pag-atake nito sa Gaza.

Sinabi ni FIFA President Gianni Infantino, na kanilang pinag-aaralang mabuti ang nasabing usapin at humihingi sila ng mga payo sa ilang eksperto.