-- Advertisements --
FFA PRESIDENT
FIFA president Gianni Infantino

Makakatanggap ng tulong financial ang Philippine Football Federation mula sa FIFA ang governing body ng football.

Maglalabas kasi ang FIFA ng $150-M na financial assistance sa mga miyembro nito na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Lahat aniya ng operational funding ng 2019 at 2020 ay pantay na ibibigay sa 211 na mga miyembro nito .

Hindi bababa naman sa $500,000 o mahigit na P25.4 million ang tatanggapin ng bawat miyembro.

Ayon kay FIFA President Gianni Infantino na ang pondo ay siyang unang hakbang para sa pagtulong sa mga emergency sa buong football community.