-- Advertisements --

Nagsagawa ng inspections ang FIFA para sa mga lugar kung saan gaganapin ang Futsal Women’s World Cup kung saan napili ang Pilipinas bilang host.

Pinangunahan ni Director of FIFA tournaments Jaime Yarza at ilang mga opisyal ay binisita nila ang Philsport Arena.

Ang Philsport Arena kasi ay doon na rin ginanap ang AFF Women’s Futsal Championship noong nakaraang Nobyembre 2024.

Sinabi ni Yarza, na marami pang mga dapat baguhin sa pasilidad kung saan tiwala ito na agad na maaayos ng local organizing committee ang nasabing lugar para maing World Cup-level ang lugar.

Ang Philsport Arena ay mayroong capacity na 10,000 na katao.
Tinungo rin ng FIFA ang Victorias City Coliseum sa Negros Occidental na mayroong capacity na 8,000 katao.

Nakausap na rin ng FIFA ang mga local organizing committee at ibinigay ang ilang mga suhestiyon na kanilang napuna.
Magaganap ang FIFA Futsal Women’s World Cup 2025 mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 7.

Bilang host country ay otomatikong kabilang ang national team ng bansa.