-- Advertisements --

Kinansela ang FIFA ang women’s Under-17 World Cup dahil sa coronavirus pandemic.

Gaganapin sana ang nasabing torneo sa India sa buwan ng Nobyembre.

Ang nasabing torneo na gaganpin sa limang lungsod sa India ay inilipat na sa Pebrero 17, 2021.

Ayon sa FIFA na bagamat ang lahat ng mga host cities ay gumagawa ng paraan para ituloy ang torneo ay ayaw nilang masayang ang pagod nila sa paghahanda kaya minabuti na ilipat na lamang sa susunod na taon ang torneo.

Bukod sa U-17 ay inilipat din mula Enero 20 hanggang Pebrero 6, 2021 ang FIFA U-20 Women’s World Cup sa Costa Rica at Panama.

Habang ang 2020 Futsal World Cup sa Lithuania ay inilipat sa Setyembre 12 sa susunod na taon.