Binaliwala lamang ni Kell Brook ang mga patutsada sa kanya ng mga kritiko na “mission impossible” ang pakikipagharap niya sa isa sa itinuturing na kabilang sa best pound-for-pound boxers sa buong mundo na si Terence Crawford (36-0 (27).
Nagpadagdag pa sa kantiyaw kay Brook ay nanggaling ito sa back to back defeats sa kamay nina Gennady Golovkin at unbeaten na si Errol Spence.
Ayon naman kay Brook, 34, ang pagmamaliit sa kanyang kakayahan ay nagsisilbing motibasyon daw sa kanya.
Giit pa ni Brook hindi imposible ang kanyang laban kasabay nang paalala sa nangyari kay Vasilliy Lomachenko na nasilat ni Teofimo Lopez.
Samantala sinabi naman ng ilang analyst na posibleng maging problema ni Brook, 39-2 (27KOs) ay ang kanyang timbang na matagal na siyang lumalaban sa mas mabigat na 154 lbs kumpara ngayon welterweight na 147 lbs.