Nagpatroliya ang fighter jet ng Philippine Air Force sa may hilagang bahagi ng West Philippine Sea noong nakalipas na Biyernes, Agosto 23.
Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines chief General Romeo Brawner Jr. ngayong Lunes.
Ayon sa AFP chief kasama siya sa sakay ng FA50 nang isagawa ang patroliya kung saan sinanay din ng fighter jet ang flares capabilities nito at iginiit na gumagana ito.
Subalit nilinaw ng AFP chief na kahit na may ganitong kapasidad ang PAF, hindi ginagawa sa iba ang gaya ng naging aksiyon ng China dahil tumatalima ang PH sa international law.
Ang naturang hakbang ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ay kasunod ng mapanganib na paggamit ng China ng flares laban sa BFAR Cessna aircraft habang nagsasagawa ng air patrols sa may Bajo de Masinloc at Zamora reef.
Samantala, nanindigan ang AFP chief na patuloy ang pagpapatroliya ng PH sa WPS dahil nasa tamang posisyon ito at may lehitimong karapatan ang ating bansa sa nasabing karagatan salig sa international law.
Home Top Stories
Fighter jet ng PH, nagpatroliya sa WPS at sinanay ang flare capabilities nito – AFP chief
-- Advertisements --