-- Advertisements --
Sinimulan na ng mga bansang kaalyado ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang paglipat ng mga F-16 fighter jets sa Ukraine.
Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na nagsimula na silang magpadala ng unang batch ng mga F-16 fighter jets.
Galing umano ang mga ito sa Denmark at the Netherlands na ililipat sa Ukriane.
Dagdag pa nito ang mga eroplano ay lilipad sa himpapawid ng Ukraine para matiyak na madedepensahan ng Ukraine ang mga sarili nito laban sa pag-atake ng Russia.
Bukod sa US ay umaasa itong susunod na rin ang mga NATO members country na magpadala ng mga fighter jets.
Pangunahing tinatalakay ngayon sa NATO Summit sa Washington ang pagbibigay na proteksyon sa Ukraine laban sa pag-atake ng Russia.