-- Advertisements --

Pumanaw na ang Filipino-American actor Patrick Adiarte sa edad na 82.

Ayon sa pamangkin nitong si Stephanie Hogan, pumanaw ang actor sa isang pagamutan sa Los Angeles.

Nagsimula ang career ng actor sa pagganap niya bilang si Prince Chulalongkorn sa play na “The King and I”.

Naging regular dancer ito sa Hullabaloo isang American variety show mula 1965 hanggang Abril 1966.

Lumabas din ito sa Broadway na “Flower Drum Song” at TV series na “MASH”.

Nagpaabot naman ng pakikiramay at kalungkuta ng mga nakasama ng actor sa iba’t-ibang show.