Umaasa ang Filipina-American actress na si Vanessa Hudgens na balang araw ay matutupad niya ang pangarap na magawan ng pelikula ang immigrant story ng kanyang ina.
Nabatid na Pinay ang ina ni Hudgens na si Gina Cuangco kung saan tubong Maynila ito pero nag-migrate sa Amerika sa edad lamang na 25.
Ayon sa 32-year-old actress, hanga ito sa dinanas ng kanyang ina bilang immigrant sa murang edad lalo’t hindi madali na mag-adjust sa bagong lugar o bansa kung nag-iisa.
Bombero kasi aniya ang kanyang ama kaya may mga panahong isang linggo itong hindi makakauwi.
Tiyak na marami raw ang makaka-relate na kababaihan sa tatag ng kanyang Pinay mother na magiging daan upang gawing inspirasyon ang bawat isa saan mang panig ng mundo.
“My mom is from the Philippines, and growing up there weren’t really that many women who looked like me and my mom and my family on screen. It’s so important to share all the different stories because America is a massive melting pot, (just like the) world. There are so many different stories that need to be told so that we are exposed to them and can have more empathy towards different people,” saad nito sa Glamour UK magazine.
Nabatid na “vocal” sa kanyang Filipino roots si Vanessa na sumikat nang maging tampok sa Disney’s hit romance-musical film na High School Musical