-- Advertisements --
Tinanggap na ni dating Mutya ng Pilipinas-Overseas Communities Savannah Gankiewicz ang Miss USA title matapos na magbitiw ang nanalo na si Noelia Voigt.
Kinumpirma ito ng national pageant organizer at ang Hawaii-based Filipino American model sa kani-kanilang social media.
Ayon kay Miss USA Organization CEO at president Laylah Rose na si Savannah ay siyang may taglay ng pagiging Miss USA 2023.
Si Voigt ay nagbitiw sa puwesto noong Mayo 6 kung saan ibinahagi nito ang kahalagahan ng pag-alaga ng kaniyang mental health.
Nagwagi si Voigt noong Setyembre ng nakaraang taon kung saan naging first runner up noon si Gankiewicz.