-- Advertisements --
image 237

Patay ang isang isang 27-anyos na Filipino-American na babae sa Daly City, California, matapos barilin hanggang mamatay ng kanyang kinakasama sa harap ng kanilang dalawang maliliit na anak.
Kinilala ang biktima na si Frances Kendra Lucero.
Nagtamo ng apat na tama ng bala si Lucero matapos siyang pagbabarilin umano ng kanyang 27-anyos na kasamang si Romier Narag.
Ayon sa imbestigasyon ng Daly City Police Department, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa kanilang pag-uwi mula sa isang family dinner noong Marso 6.
Nagalit umano ang suspek at inilabas ang kanyang 9-mm na baril at pinagbabaril ang biktima.