-- Advertisements --

Pinabagsak ni Filipino-Hawaiian Blazen Rocili boxer si Selim Martinez Gonzalez ng Mexico.

Sa simula pa lamang ng laban ay umulan na ng ng mga suntok mula sa 6 foot-three boxer.

Pagdating ng ikalawang round ay sumuko na si Gonzalez.

Sinabi ng Fil-Am boxer na mahigpit ang kaniyang depensa at tanging ang katawan ng kalaban kaniyang pinutirya.

Sa loob ng apat na taon ay nasa Las Vegas ito nagsasanay.

Mayroon na itong pitong panalo at wala pang talo na mayroong anim na knockouts.

Dati ay lumalaban ito ng 160 lbs hanggang nagpasya siyang lumaban sa 171 lbs.