Nag-host si Filipino American comedian Jo Koy sa 81st Golden Globe Awards sa Beverly Hilton hotel, Los Angeles.
Lubos ang galak ng komidyante matapos niyang pangunahan ang naturang gabi ng parangal.
Ang pagpili aniya sa may dugong Asyano bilang host ng naturang event ay nagpapatunay na nagiging matagumpay na ang pagsusulong ng inclusivity.
Naging challanging daw para sa Fil-Am celebrity ang pagsusulat ng script para sa Golden Globes, dahil ibang-iba ito sa nakasanayang niyang monologue comedy.
Sinabi ni Executive Producer and Director Glen Weiss na nakita nila kay Jo Koy ang katangian para maghost sa nasabing event.
Ang “energy, enthusiasm at excitement” ni Jo Koy ang nakapagbigay-buhay sa programa, ayon kay Weiss.
Ang Golden Globes ang nagbibigay-parangal para sa mga palabas at mga American produced television shows.
Si Jo Koy ang kaunana-unahang Fil-Am na naghost para sa naturang sa taunang Golden Globe Awards.
“Enjoy what you do. And as long as you love it, it’s gonna happen so stay dreaming, ha?! Mahal na mahal kita,” mensahe ni Jo Koy sa mga Pinoy fans.