-- Advertisements --

Inanunsiyo ng NBA na hahawakan ng Filipino-American head coach ng Miami Heat na si Erik Spoelstra ang Team Durant sa gaganaping NBA All-Star Game sa Pebrero 20 sa estado ng Cleveland.

Nakuha ni Spoelstra, na ang ina ay isang Pinay, ang puwesto matapos masungkit ng Miami ang best record sa Eastern Conference nang talunin nila kahapon ang Charlotte Hornets.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na magiging head coach si Spoelstra sa All-Star Game matapos na unang maitalaga siya sa Eastern Conference team noon pang taong 2013.

Samantala, hahawakan naman ni Phoenix Suns coach Monty Williams ang Team LeBron sa Western Conference.

Kung maalala nanguna sa botohan ng mga fans sina Brooklyn Nets forward Kevin Durant at Los Angeles Lakers forward LeBron James na siyang tatayo bilang mga team captains ng magkalabang koponan.

Sina Durant at LeBron ay nakatakdang pumili ng mga players nila sa darating na Biyernes.