BOMBO RADYO NAGA- Nag-abot ng tulong ang Fil-Am Community sa mga pamilyang apektado ng sunog sa Bronx, New York.
Mababatid na umabot sa 17 katao ang nasawi kabilang na ang 8 bata matapos masunog ang isang residential apartment sa lugar.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Ronie Mataquel, professor sa nasabing estado, sinabi nito na nagpa-abot na sila ng mga clothings para magamit ng mga survivor ng nasabing sunog.
Sa ngayon kasi, malamig ang tempertaura sa estado dahil sa nararanasang winter season.
Maliban dito, sinabi ni Mataquel na agad na bumisita si New York City Mayor Eric Adams upang alamin ang sitwasyon sa lugar.
Tiniyak naman ng alkalde na matutulungan ang mga apektadong pamilya sa pagbangon sa pamamagitan ng Bronx Fire Relief Fund.
Samantala, nagbigay na rin ng mga relief goods at tuloy ang ilang concerened citizens, organizations at mga foundation sa mga apektado ng sunog.
Mababatid na umakyat sa ika-limang alarma ang sumiklab na sunog bago naapula ng mga rumespondeng tauhan ng New York City Fire Department.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Mayor Adams na may ilang naka-survive sa insidente ang nasa kritikal na kondisyon.