-- Advertisements --
Gumawa ng kasaysayan si Democratic candidate Steven Raga matapos maging unang Filipino-American nahalal bilang Assembly man sa New York.
Nagwagi ito sa District 30 sa Queens matapos talunin si Republican challenger Sean Lally sa 2022 midterm election na mayr 58 percent ng boto.
Sa kaniyang social media ay pinasalamatan niya ang mga sumuporta sa kaniya dahi sa tagumpay sa halalan.
Kuwento niya na lumaki ito ng walang ama at pumasok sa tatlong trabaho para makapagtapos sa pag-aaral.