-- Advertisements --
MARK STEVEN DOMINGO 1 1
‘Martyrdom, bro’ California man busted on domestic terror plot.

Maaaring kumaharap sa 15 taong pagkakakulong ang inarestong 26-anyos na Filipino American matapos mapigilan ng mga otoridad ang pinaplano nitong terrorist strike sa Santa Monica Pier at sa isang White supremacist rally sa Southern California.

Kinilala ang suspek na si Mark Steven Domingo ay dating myembro ng Army Infantry at may karanasan na sa pakikipaglaban noon sa Afghanistan.

Di-umano’y pinaplano nitong pasabugin ang mga improvised explosive upang maging sanhi ng mass casualties.

Ayon sa representante ng US attorney’s office, ito raw ay isang kaso kung saan kaagad napigilan ng mga pulis ang terror attack na hatid ni Domingo.

“This is a case in which law enforcement was able to identify a man consumed with hate and bent on mass murder and stop him before he could carry out his attack,” ani ng representante.

Dagdag pa ng mga ito na noong Marso pa lamang ay pinaplano at ginagawa ng suspek ang mga pampasabog na gagamitin sa nasabing mass destruction.

“Domingo said he specifically bought three-inch nails because they would be long enough to penetrate the human body and puncture internal organs,” saad ni U.S attorney Nicola Hanna.

Nasamsam naman mula sa bahay ni Domingo ang tatlong rifles at ammunition nang magsagawa ang mga otoridad ng imbestigasyon sa kanyang bahay at sasakyan.

Base sa criminal complaint na isinampa ng federal prosecutors, nagpost umano si Domingo ng isang video kung saan ipinagtapat nito ang kanyang paniniwalang Muslim noong March 2. Sumunod na araw ay muli itong nagpost ng isa pang video kung saan sinabi nito ang mga katagang ” “I feel like I should make a christians life miserable tomorrow for our fallen bros n sis in new zealand … maybe a jews life idk … they shed our blood … no Muslim should have to experience this, a message needs to be sent.America needs another vegas event”.

Ito ay patungkol sa naganap na mass shooting sa Las Vegas noong 2017.

Nagawa ring aminin ng suspek na sinusportahan niya ang Islamic State at nangakong makikiisa sa nasabing grupo sa oras na magpunta ito sa California.