-- Advertisements --

Muling nagbulsa ng gintong medalya ang Filipino-American fencer na si Lee Kiefer sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Si Kiefer ay naglalaro sa ilalim ng Team USA at nagawa niyang maipanalo ang gintong medalya laban sa mas batang si Lauren Scruggs. Ang dalawa ay napilitang magharap sa gold medal fight sa kabila ng pagiging mag-teammate sa ilalim ng Team USA.

Ang paglalaban ng dalawang US athlete para sa gintong medalya sa fencing ay ang ikatlong pagkakataon pa lamang sa kasaysayan ng naturang Olympic sports.

Una itong nangyari noong 1904 at sinundan noong 2008.

Samantala, ito na ang pangalawang gintong medalya ni Keifer sa Olympic fencing matapos niyang mapanalunan ang unang ginto noong Tokyo Olympics.

Siya ay isang medical student mula sa University of Kentucky.

Ang kanyang nanay ay isang Pinay at nagtungo sa US habang bata pa.