-- Advertisements --

Nasungkit ng Fil-Am fencer na si Lee Kiefer ang kauna-unahang Gold Medal sa Women’s Individual Foil Fencing para sa Team USA, July 25, 2021.

Ito ang pangatlong gold medal na napanalunan ng 27-year-old fencer sa Tokyo Olympics at gumawa ito ng kasaysayan bilang kauna-unahang American fencer na nagwagi ng gintong medalya sa women’s individual foil nang matalo nito sa score na 15-13 ang defending champion na si Inna Deriglazova, 31-year-old mula sa Russia sa women’s foil final.

Nakuha naman ni Deriglazova ang silver at naangkin ni Larisa Korobeynikova ng Russia ang bronze.

Si Kiefer ay anak ng Filipina doctor na si Teresa Bacani mula sa Davao at ang ama nito na si Dr. Steve Kiefer ay dating namumuno sa Duke University fencing team at former US fencer.

Ang four-time NCAA champion sa Notre Dame na si Lee Kiefer ay kasalukuyang medical student sa University of Kentucky.