-- Advertisements --

Nagtapos sa pang-23 puwesto si Filipino-American figure skater Sofia Frank sa 15th Santa Claus Cup.

Nabigo kasi ang 16-anyos na si Franck sa kaniyang triple lutz-triple toe loop combination sa torneo na ginanap sa Budapest, Hungary.

Nakuha naman ni Nina Pinzarrone ng Belgium ang unang puwesto na mayroong 63.67 points.

Si Frank na naging pang-lima sa 2021 Tallinn Trophy sa Estonia noong nakaraang buwan ay mayroong kabuuang puntos na 24.09.