-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Filipina-American gymnast Levi Jung-Ruivivar na ito ay mamahinga sa pagsali sa ilang mga college competition sa US.

Sinabi nito na nais lamang nitong maka-recover mula sa eating disorder na nakakaapekto sa kaniyang paglahok sa women’s gymnastics sa Stanford.

Ang nasabing eating disorder aniya ay nakakaapekto rin ng kaniyang mental health.

Maaring sa buwan ng Abril ay makakabalik na ito sa paglahok sa ilang kumpetisyon sa ibang bansa.

Magugunitang si Jung-Ruivivar ay naging representative ng bansa sa gymnastics sa nagdaang Paris Olympics.