-- Advertisements --

Nakamit ng Filipino-American hockey star na si Jason Robertson, o mas kilala bilang “Robo”, ang current leading goals score sa National Hockey League sa Estados Unidos na may naitalang 23 goals

Ang 23-year old left winger na naglalaro para sa team na Dallas Stars ay inaasam na makuha ang Maurice “Rocket” Richard Trophy kung saan ibinibigay kada taon sa player na nagkamit ng most goals scored sa buong season.

Itinanghal din ito bilang NHL’s First Star of the Month sa buwan ng Nobyembre.

Siya rin ang may hawak ngayon ng “Dallas-record streak with most consecutive games with at least one point in 17 games” kahit ikalawang season pa lamang nito sa NHL. Siya rin ang naging runner-up sa Calder Memorial Trophy sa nakaraang season o ang tinaguriang NHL’s Rookie of the Year na may 17 goals at 28 assists sa loob ng 51 games.

Si Robertson ang pangalawang Filipino-American na nakapaglaro sa NHL, na na-draft noong 2017 at naisama sa team’s roster noong 2019.

Ang California-born hockey star ng Dallas Stars ay anak ng Scottish at Filipino parents mula Manila.