-- Advertisements --

Umaasa ang Fil-Am star ng Houston Rockets na si Jalen Green na makakabalik pa rin siya sa susunod na taon para sa annual All-Star Slam Dunk contest.

Ginawa ni Green ang pahayag matapos na maraming fans ang nadismaya sa kanya dahil sa ilang pagkakamali niya sa execution sa slam dunk nitong nakalipas na Linggo na ginanap sa estado ng Cleveland.

Kung maalala tinanghal na kampeon sa slam dunk si Obi Toppin ng New York Knicks.

Una rito, bago pa man magsimula ang contest ay pabotiro na ng marami ang Pinoy na mananalo at maging sa pustahan dahil pambihira ang kanyang showmanship tuwing may laro ang Rockets.

Ayon kay Jalen, babawi na lamang siya sa susunod na taon.

Sa ginanap naman na All-Star weekend kung saan naglaro siya sa Rising stars tournament, ang No. 2 pick ang siyang bumida sa Team Worthy kahit natalo sila ng isang puntos.

Sa naturang game, maraming pinahanga si Green nang magbuhos siya ng 20 points, kabilang na ang apat na three pointers kaya kinilala siya na siyang best player sana ng ilang mga basketball analysts.