-- Advertisements --

Excited na ang ilang mga kababayang Pinoy sa Amerika sa nalalapit na NBA All-Star Weekend matapos na mapabilang ang pangalan ng Filipino-American player na si Jalen Green na sasabak sa slam dunk contest.

Si Green na kabilang sa top player ngayon ng Houston Rockets ay ang 2021 second overall pick.

Sinasabing kakasama ang Fil-Am sa paboritong mananalo lalo na at ilang beses na itong nagpapakita ng kanyang pambihirang leaping ability at kakatwang mga istilo sa pagtalon.

Mula pa noong high school ay nakitaan na ito ng abilidad sa slam dunks.

Kapag nangyari raw na maghari si Green bilang slam dunk king, magiging makasaysayan ito dahil siya ang first-ever na may Filipino bloodline sa NBA na lalahok sa isa sa pinakamahirap na kompetisyon.

Kung maalala ang mga kamag-anak ng ina ni Green ay mula sa Ilocos Sur.

Gayunman, nahaharap din sa matinding kompetisyon si Jalen dahil makakalaban niya ang mga bigatin din na players na sina Cole Anthony ng Orlando Magic, Juan Toscano-Anderson ng Golden State Warriors, at si Obi Toppin ng New York Knicks.