-- Advertisements --
Umiskor ng 41 big points ang Filipino American player na si Jordan Clarkson para sa Utah Jazz pero nasayang ito nang matalo ng Golden State Warriors, 119-116.
Napakahalaga para sa Warriors ang panalo para maging buhay pa ang pag-asa sa play-in tournament.
Ang top team naman na Utah (50-19) ay noong pang Linggo ay secured na ang playoff spot sa Western Conference.
Nagsalba sa Warriors (36-33) ang heroics ni Stephen Curry na may 39 points.
Habang si Clarkson ay sumablay ang pitong 3-point attempts sa first half bago kumagat sa third quarter na ang kanyang mga tira.
Sa huling segundo ng laro muntik pang ipanalo ni Clarkson ang laro nang muntik ding maipasok ang kanyang mga pagtatangka.