-- Advertisements --
IMAGE © Google news

Naghain ng guilty plea ngayong araw ang Filipino-American na si Cesar Sayoc, 57-anyos sa ipinataw na criminal charges laban sa kanya kaugnay ng pagpapadala umano nito ng mga bomba sa mga prominenteng mambabatas at kritiko ni US President Donald Trump.

Mangiyak-ngiyak at nanginginig ang boses na inamin ni Sayoc sa harapan ni US District Judge Jed Rakoff ng Manhattan federal court na nagpadala ito ng 16 na device na gawa sa plastic pipe at nilagyan ng powder mula sa paputok at fertilizer, orasan at mga wires na sinadyang pagmukhaing bomba.

Kasama sa mga ipinataw sa kanya ang paggamit ng baril na maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng marami, pagpapadala ng mga bomba na may intensyong makapanakit at pati na rin ang pag-aangkat ng mga pasabog sa iba’t ibang syudad.

Si Sayoc ay dating part-time pizza deliveryman, grocery worker at stripper ngunit naaresto ito noong Oktubre ng nakaraang taon matapos ang four-day manhunt nan isinagawa ng mga otoridad.

Ilan sa kanyang mga biktima ay sina hollywood actor Robert De Niro at former Central Intelligence Agency directors John Brennan at James Clapper, na inakusahan isa umanong Republican si Trump at mga ka-alyado nito.

Ayon sa mga prosecutor, nahuli kaagad umano ang mga nasabing pasabog bago pa ito makapaminsala.