Muling binasag ng 24-anyos na Filipina American sprinter ang record ni Lydia de Vega sa 100 meter dash.
Sa first heat ng 100 meter dash nakapagtala ng record si Kristina Knott na 11.45 seconds.
Naungusan nito ang record ni De Vega noong 1986 na 11.53 sa Seoul Asiad na inabot na ang 33 taon ngayon.
Pumangalawa naman sina On-uma Chattha ng Thailand at Shanti Veronica Pereira ng Singapore.
Mamayang hapon, isasagawa ang finals para sa 100 meter dash na ginaganap sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac.
Una rito kahapon record breaking din ang panalo ng Pinay athlete na naghari sa 200 meter sprint sa nagpapatuloy na 30th SEA Games sa Capas, Tarlac.
Nagtapos siya sa sa 23.01 seconds upang parehong basagin ang national at meet record sa women’s 200-meter event sa qualifying heat ng track.
Nagtapos ang sprinter sa record na 23.07 upang wasakin ang napakatagal nang 23.30 record ni Supavadee Khawpeag ng Thailand noong 2001 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Binasag din niya ang long-time national record na 23.35 ni De Vega noong 1986 o eksaktong 33 taon na.
Target ngayon ni Knott na maabot ang qualifying standard na 22.80 para makapasok sa 2020 Tokyo, Japan Olympics.