-- Advertisements --
image 335

Pinaplano ni Filipino-American mixed martial arts fighter Jackie Buntan na pabagsakin ang kalabang si Smilla Sundell sa nakatakda nilang laban sa buwan ng Setyembre.

Ang laban ng dalawa ay isa sa mga pinaka-aabangang laban sa ONE fight Night 14, kung saan bahagi ito ng apat na kabuuang laban ng pawang mga babaeng mixed martial artist mula sa ibat ibang bansa.

Maalalang una nang natalo si Buntan sa naging laban nila ni Sundell noong Abril ng nakalipas na taon.

Sa rematch ng dalawa, paglalabanan ng mga ito ang ONE Women strawweight Muay Thai World Championship.

Ang Fil-American fighter na si Buntan ay kagagaling lamang sa dalawang magkasunod na panalo nitong buwan ng Disyembre at Mayo ng taong kasalukuyan. Ang 26-anyos na lady fighter ay may kasalukuyang record na 5 – 1.

Habang si Sundell ay nananatiling undefeated sa kanyang tatlong laban bilang professional Martial Arts fighter.