Balik Pilipinas ang Filipino-American NBA player na si Jalen Green ng Houston Rockets bilang bahagi ng kanyang Manila Tour at global ambassador ng isang produkto.
Ito na ang ikatlong pagbisita sa bansa ni Green na ang ina ay isang Filipino-American nurse.
Ayon sa mga organizers magiging kakaiba ang pagbisita ngayon sa bansa ni Green dahil hindi lamang maeeksperyensiya niya ang kulturang Pilipino, kundi ang street lifestyle at makapagbigay din ng inspirasyon sa mga kabataan.
Si Jalen ay nasa rookie season pa lamang sa NBA, pero umagaw na ito ng atensiyon bunsod ng kanyang pagiging athletic at ang mga diskarte niya sa slam dunk hanggang sa sumali pa siya sa taunang All-Star contest.
Nag-a-average din siya ng 17.3 points at 3.4 rebounds per game sa Houston Rockets.