-- Advertisements --

Nakakuha ng bronze medal si Filipina-American pole vaulter Natalie Uy sa 2021 Golden Fly Series sa Phuket, Thailand.

Nakamit ng 27-anyos na mula sa Kettering, Ohio ang 4.21 meter.

Nagtapos naman sa ikalawang puwesto si Kristen Brown ng US habang nagwagi ng gold medal si Holly Bradshaw ng Britanya ng magtapos ito ng 4.51-m clearance.

Magugunitang hindi nakasama si Uy sa Tokyo Olympics matapos na sumailalim ng operasyon ng kaniyang kaliwang kamay noong Setyembre 2020.