Nasa bansa ang viral Filipino-American rapper na si EZ Mil at magtatanghal ito sa iba’t-ibang mga lugar sa Pilipinas.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa rapper, ibinahagi nito na excited na siyang puntahan at malaman pa ang mga kultura sa ilang mga major cities sa bansa kasama ang Baguio City.
Huli naman itong magtatanghal sa kanyang hometown sa Olongapo City.
“Sa lahat ng dates na mapupuntahan natin, of course we’ll go to Manila, na medyo na-explore [ko na ng konti] habang nandito sa Pilipinas before nung 6 years ako na nasa U.S. [Sa Baguio rin], parang third hometown ko yan eh at gusto ko pang i-explore. [Kasama rin] yung lahat ng mga neighboring sites pati na rin yung mga lugar na may mga naitaguyod na monuments sa mga siyudad na di ko pa nakita in my life so far. Gusto ko lang makita yung kultura na naitayo dun sa [mga siyudad na yun]. But what I’m most excited for is going back home sa Olongapo, being back with the homies and skate a little.”
Nagpasalamat rin ito sa kaniyang mga fans.
“Sa lahat ng mga sumusuporta [sa journey na ito], maraming-maraming salamat. It’s surreal that we’ve come this far. It’s just wow, and we’ll keep going further! To infinity and beyond!”
Naging viral nga si EZ noong nakaraang taon dahil sa kanyang patriotic rap song na “Panalo”.
Naging guest artist rin ito sa kakatapos na coronation night ng Miss Universe Philippines 2022.