Inihayag ngayon ni Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan na hihilingin nito sa city council na ideklarang “persona non grata” sa lungsod si Fil-Am rapper Ez Mil
Ito’y kasunod sa kontrobersyal na lyrics ng kanta nitong Panalo patungkol sa bayaning Cebuano na si Lapulapu.
Naging kontrobersyal ang rapper dahil sa nasabing kanta na kasama ang linya na “Nanalo na ako nung una pa na pinugutan si Lapu sa Mactan”.
Nag-sorry naman ito matapos makaani ng pambabash sa publiko.
Dahil pa sa kontrobersiya ,laking galit ng alkalde sapagkat gumagawa lang umano ng kwento si Mil.
Dapat din umanong respetuhin ang bayani at hindi kutyahin.
Hihilingin din ngayon ni Chan sa city legal department kung anong aksyon ang posibleng ipapataw sa nasabing rapper.
“Nasuko ko, naglagot ko. Nagpataka lang siya himo og istorya. Unsa man nang iyaha, bahala og sayop basta kay aron siya mosikat? Dako’ng bugal-bugal ang iyang gihimo sa atong hero nga angay natong respetaran, dili bugal-bugalan,” ani Chan sa isang presscon.