-- Advertisements --
Nagtamo ng pasa sa mukha ang isang 59-anyos Filipino-American matapos na atakihin ng isang lalaki sa San Francisco, California.
Kuwento ni Danilo Yuchang, pabalik na ito sa kanilang opisina matapos ang lunch break nang ito ay biglang atakihin ng isang lalaki.
Itinuturing niya na isang hate crime ang pangyayari dahil hindi naman nawala ang kaniyang mga personal na gamit gaya ng cellphone at pera.
Nawalan ito ng malay at pagkagising ay kasama na niya ang mga kapulisan ng San Francisco.
Nakilala naman ang suspek sa pamamagitan ng pag-review sa kanilang CCTV.
Desidido itong sampahan ang nasabing suspek.